Anong tamis ng magtapat Kay Jesus hanggang wakas! Salita Niya ay sapat Sa iyo na magligtas!
REFRAIN
Jesus! Jesus! oh, kay sarap Ang sa Iyo'y magtapat! Di magsasawang maglagak Ng lihim ko ma't hayag!
Oh! kay tamis ng magtapat Kay Jesus na nagligtas, Sa Kanyang dugong dumanak Sala ko ay nahugas!
Kung magtapat ako't iwan Ang mga kasalanan, Kay Kristo'y tatanggap naman Ng t'wa't kapayapaan!
Jesus, ako'y nagagalak Na sa Iyo'y magtapat, Sa lahat nawa ng oras Ikaw'y laging kaharap!